Vaccination card huwag gawing requirement sa limited face-to-face classes ayon liga ng mga barangay sa Camarines Sur

NAGA CITY – Katuwang ang Liga ng mga Barangay sa Camarines Sur sa mangayayring bakunahan ngayon edad 5 hanggang 11 taong gulang ngunit may paki-usap ang mga opisyal—huwag gawing requirement ang Vaccination Card  sa pagbabalik ng limited face-to-face classes.

Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay Camarines Sur Liga President ng Nelly Largo, binigyan diin ng opisyal na bagamat katuwang sila hindi aniya nila pinipilit ang mga magulang na bakunahan ang kanilang mga anak, kinakailangan pa rin na respetuhin ang anumang magiging desisyon ng mga magulang at walang sapilitang magaganap.

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents
Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Karapatan aniya ng mga bat ana makapag-aral bakunado man o hindi.

Samantala katulad ng pagbabakuna sa Pediatric at Adult population bukas ang mga paaralan bilang vaccination site sa iba’t ibang barangay.