Presyo ng gasolina sa Camarines Norte sasampa na P70 kada litro

CAMARINES NORTE- Sasampa nasa P70 ang kada litro ng gasolina sa lalawigan ng Camarines Norte dahil sa panibago na namang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na ipinatupad epektibo kahapon.

Naglalaro na ngayon sa P67. 75 hanggang P69. 24 ang kada litro ng gasolina sa iba’t- ibang gasoline station sa lalawigan habang ang diesel naman ay naglalaro sa P56. 55 hanggang P61. 54

Sa Shell Mancruz  nasa P57. 54 ang presyo ng Fuel Save diesel,  P61. 54  sa V Power diesel, P68. 24 sa Fuel Save gasoline at P69. 24 sa V power gasoline.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Sa Caltex P56. 55 sa diesel, P67. 25 sa Silver at P67. 75 sa Platinum.

Sa katabi nitong Seaoil P57. 80 sa exceed diesel, P67. 25 sa Extreme U at P67. 75 naman sa Extreme 95.

Sa Ptt P56. 55 sa BlueDiesel, P67. 25 sa Blue Gasoline 93+ at P67. 75 sa Blue Gasoline 95+.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa Petron Pandan P56. 55 ang presyo kada litro ng diesel,  P67. 25 sa Super at P67. 75 sa Premium.

Ganito rin ang presyuhan sa katapat nitong Phoenix gasoline station.

Dahil dito umaaray na rin lalo na ang ilang driver ng pampublikong sasakyan.

Kung magpapatuloy din ang ganitong scenario posibleng magkaroon ng pagtaas ng presyo ang mga pangunahing produktong agrikultural sa merkado sa mga susunod na linggo.