VACC 2 school ligtas sa bakuna para sa balik eskwela, inilunsad ng DEPED RO2

Inilunsad ng Department of Education Region 2 ang programang VACC 2 School Ligtas Sa Bakuna Para Sa Balik Eskwela bilang suporta sa isinasagawang vaccination roll-out ng pamahalaan.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Amir Aquino, ang Head ng Public Affairs Unit ng DepEd Region 2, inilunsad ang nasabing programa upang hikayatin ang mga personnel at iba pang stakeholders na alamin ang tamang impormasyon sa bakuna.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ito aniya ay upang mahikayat ang mga ito na magpabakuna bilang proteksyon sa COVID-19.

Dagdag pa nito, batay sa kanilang datos ay maraming mga guro ang nakapagparegister upang magpabakuna at patuloy pang tumataas ito.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Wala rin aniyang nakararating sa kanilang ahensiya na may mga gurong ayaw magpabakuna.

Samantala, nasa 30,865 na mga ang kabuoang emplayado ng DepEd Region 2 na binubuo ng mga teaching at non-teaching staff ang target na magparegister para sa vaccination roll-out.