Likas sa mga tao na lumingon sa tuwing may tumatawag sa atin o di kaya ay mayroong bumabati.
Ngunit, ano na lamang ang mararamdaman mo kung mayroong bumati sa iyo ngunit, tila hindi mo mahanap?
‘Yung tipong mistulang guni-guni mo lamang at ika’y minumulto o di kaya’y sadyang hindi mo lamang makita.
Isang babae kasi kamakailan sa Canada ang mag-isang namamasyal at naglalakad-lakad nang biglang mayroong tinig siyang narinig na bumati ng “hello!.”
Napalingon siya agad ngunit wala nga siyang makita na kahit ano mang tao sa paligid.
Hanggang sa naulit ito at patuloy sa pagbati ng katagang “hello! hello!”
Nagtaka na ang babae kung totoo ba ang kanyang naririnig o guni-guni lamang.
Sa patuloy niyang paglingod sa paligid wala talaga siyang makitang ibang tao kundi isang uwak.
Laking gulat nito na ang itim na ibon palang ito ang bumabati sa kaniya.
Napag-alaman na ang ganitong uri pala ng ibon ay kayang gumaya o matuto ng aabot sa 100 tunog kasama na ang tinig ng tao gaya ng pagbati.
Sa paulit-ulit umano na kasanayan, kung kaya’t natututuhan nitong makagaya ng iba’t ibang tunog.###WENCY LISAY