Utos ng ERC sa mga power utility na gawing utay- utay ang pagbabayad ng biniling kuryente sa WESM nagresulta sa pagbaba ng Generation System Charge ng Canoreco

CAMARINES NORTE РInanunsiyo ng Camarines Norte Electric Cooperative nitong Lunes, July 8,2024 na bumaba ng Php 0.7269 per kWh ang Generation System Charge dahil sa pagpayag ng Energy Regulatory Commission (ERC) na gawing utay-utay ang pagbabayad ng biniling  kuryente ng power utilities sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Batay kasi sa inilabas na desisyon ng ERC, maaaring bayaran ng power utilities ang kanilang biniling kuryente sa WESM sa loob ng apat na buwan  o mula June hanggang September 2024 dahil sa sunod-sunod na pagdedeklara ng Red at Yellow Alert bunsod ng manipis na suplay ng kuryente.

Gayunman, nilinaw ng Canoreco na maaari pa rin itong tumaas sa mga susunod na billing month o July 2024 hanggang September 2024 dahil sa pagkolekta ng mga ipinagpaliban na WESM Charges.

Kung maalala, ipinag- utos ng ERC sa lahat ng Distribution Utilities sa Luzon at Visayas Grid na ipagpaliban ang pagsingil sa mga konsumidores ng Generation Charge.

Titiyakin nito na ang sisingilin ng mga power utilities sa kanilang mga konsumidores ay magpapakita ng tamang halaga na tumutugma sa mga pagbili ng suplay ng kuryente sa WESM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *