Lalaki, sugatan matapos mabundol ng closed van sa Candelaria, Quezon

Sugatan ang isang pedestrian matapos itong mabundol ng closed van sa Barangay Bukal Sur, Candelaria, Quezon nitong Linggo, Hulyo 7.

Ayon sa report, tumatawid umano noon ang 58-anyos na biktima nang mabundol ito ng nasabing sasakyan na minamaneho ni alyas “Ahl”.

Nagtamo ng injury sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima kung kaya isinugod ito sa hospital para malapatan ng lunas.

Samantala, bukas naman ang magkabilang panig sa pagkakasundo sa mga usapin hinggil sa aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *