PSA Camarines Sur may apela sa publiko kaugnay ng pagsisimula ng 2024 Population Census

CAMARINES SUR- Aarangkada na ang 2024 Census of Population (POPCEN) at isasabay ang Community-Based Monitoring System ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PSA Camarines Sur OIC Supervising Statistical Specialist Raul P. Aspe Jr, sinabi nitong bukod sa pagbilang ng populasyon aalamin din ang poverty line ng bawat tahanan, kaya isasabay ang pagtala sa Listahanan o ang Talaan ng Pamilyang Nangangailangan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Kaya naman umaapela ang PSA na bigyan sila ng oras na sagutin ang kanilang mga katanungan.

Target ng PSA na lahat ng bahay ay madaanan, dahil dito makikita ang sitwasyon ng bansa. Kung kaya magiging basehan ito ng mga programa at proyekto.

Ngayong araw Hulyo 9, gagawin ang National Press Launch, pormal na magsisimula ang pagtatala sa Hulyo 15 at magtatapos sa Setyembre 16, 2024.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts