Utilization rate ng mga COVID-19 beds sa mga ospital sa Bicol, nananatiling nasa moderate risk

BNFM BICOL—Inihayag ni DOH-Bicol Development Management Officer – Edwin Lumbo na nananatiling nasa ‘moderate risk’ ang  utilization rate ng mga ospital sa rehiyon sakabila ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng sakit bawat araw.

Sa isang panayam sinabi ng opisyal na 644 na mga COVID-19 beds sa mga ospital sa Bicol ang kasalukuyang okupado mula sa 1,143 COVID beds na inilaan para sa mga mag po-positibong indibidwal na kailangang i-admit.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Katumbas umano ito ng 61.07% na utilization rate kung kaya’t maikokonsidera pang nasa moderate risk ang kasalukuyang sitwasyon ngayon ng mga isolation beds ng ospital sa rehiyon.

Samantala, nasa high risk status naman ang Bicol Medical Center sa Naga City matapos na ma okupa ang 166 mula sa 178 na bed allocations.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Ang Bicol Regional General Hospital and Geriatric Medical Center naman sa bayan ng Cabusao, Camarines Sur ay nasa ‘moderate risk’ habang ang BRTTH sa lalawigan ng Albay ay nasa high risk na rin matapos mapuno ang 85 COVID-19 beds allocation sa naturang pagamutan.###