Utang ng Pilipinas, posible pang pumalo sa 17 trillion sa katapusan ng 2025

Inamin ng Department of Budget and Management na posibleng pumalo pa sa 17 trillion pesos ang utang ng Pilipinas sa huling bahagi ng taong 2025.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Principal Economist Joselito Basilio na sa kabila nito positibo sila na unti-unting bababa ang debt to GDP ratio ng Pilipinas pagsapit ng 2026.

Ito ay dahil nakikita nila na magiging maganda ang revenue collection, tataas ang gross domestic product o GDP, tataas din ang base at sales, gayundin ang tax collection ng gobyerno at ng Customs.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Dagdag ni Basilio batay sa fiscal program na inaprobahan ng Development Budget Coordination Committee o DBCC, inaasahang nasa 4.6 trillion pesos ang magiging revenue collection ng bansa sa 2025.

Kasama dito ang tax collection na 4.3 trillion kung saan 3.2 trillion ang inaasahang manggagaling sa Bureau of Internal Revenue, habang 1.064 trillion naman mula sa Bureau of Customs.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Sa other non-tax revenue, inaasahang makaka kolekta ng 210.8 billion at 101 billion ang privatization proceeds.

At kapag ibinawas na rito ang 6.352 trillion na proposed budget para sa taong 2025, nasa 1.537 trillion na lang ang magiging deficit.

Ayon naman kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, target nilang maibaba sa 59% ang debt to GDP ratio ng bansa, na sa ngayon ay nasa 60.2% pa.