P8.9 million naging pinsala sa fish kill sa Buhi, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Umabot na sa P8.9 million ang pinsala ng fish kill sa Buhi, Camarines Sur.

Ito ang kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Bicol sa naging panayam ng Brigada News FM Naga. Ayon kay Weng Briones, tagapagsalita ng ahensya sa rehiyon 104 toneladang tilapia ang naapektuhan sa 69 fish cage operators mula sa mga barangay ng Ipil, Salvacion, Cabatuan, Tambo, Iraya, Sta. Cruz, Sta. Elena at San Buena.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Ang nagdaang Habagat at Bagyong Carina ang naging dahilan kung saan sa naging water quality assessment lumabas mababa ang dissolve oxygen.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Sinabi naman ni LGU spokesperson Mark Nazarrea may draft ordinance na sa paggamit ng lawa. Aminado itong medyo komlikado ang pagsunod sa mga patakaran dahil maraming opisina at ahensya na nakakasaklaw sa operasyon ng lawa na may pinagbabasehan ring mga batas.