Kagat ng aso hindi dapat binabalewala – City Vet

SORSOGON CITY – ‘’Hindi dapat na binabalewala.’’

Pahayag ito ni Sorsogon City Veterinary Office head Dr. Alexander Destura, kaugnay sa insidente ng pagkamatay kamakailan ng isang bata sa Brgy. San Juan sa Distrito ng Bacon dahil sa rabies.

Matatandaan na halos apat na taon na ang nakalilipas nang makagat ng aso ang biktima.

 Ayon sa opisyal, talagang mayroong mga pagkakataon na mabagal ang kilos ng virus kung kaya matagal bago makita ang epekto nito.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ito aniya ang dahilan kung bakit  hindi dapat na magpakakampante kapag nakagat ng aso at walang naramdamang sintomas.

Kaugnay nito, payo ng opisyal sa publiko na kapag nakagat ng aso ay kaagad itong ipagbigay-alam sa mga kinauukulan at magtungo sa mga animal bite center upang maturukan ng bakuna kontra rabies.

Nabatid na ayon sa mga doktor ng hayop, dahil maraming asong kalye na hindi sigurado kung may rabies o wala, rekomendado na magpaturok ng anti-rabies vaccine o bakuna kontra rabies ang mga taong nakagat ng aso.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ito rin ay dahilan kung bakit maraming taong nakakagat ng aso na hindi nagkakarabies, sapagkat wala naman talagang rabies ang karaniwang tao. Ngunit, kaya naninigurado ang mga awtoridad ay sapagkat kung minalas ka at may rabies nga ang aso, kapag ikaw ay nahawa nito, walang gamot na pwedeng ibigay at halos tiyak na ito’y iyong ikamamatay.