US Secretary of State Blinken nakatakdang makipagpulong kay Pres. Marcos sa Agosto

Nakatakdang makipagpulong si US Secretary of State Antony J. Blinken kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa unang linggo ng Agosto.

Ito ang kinumpirma ni East Asian and Pacific Affairs Assistant Secretary Daniel J. Kritenbrink.

Ayon kay Kritenbrink welcome para sa Amerika ang pahayag ni Marcos Jr. sa importansiya ng pagpapanatili sa territorial intergrity ng Pilipinas.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Dagdag pa ng opisyal, inaasahan isusulong ni Secretary Blinken sa naturang pulong ang pagpapatuloy ng malakas na ugnayan at pagtitiyak na ang Mutual Defense Treaty ng US at Pilipinas ay matatag.

Magkakaroon din ng mahalagang diskusyon sa usapin ng trade and investment sa clean energy, pagsusulong sa shared democratic values at pagpapalakas ng respeto sa human rights, kabilang na ang press freedom.

Read More:  OSG seeks dismissal of Marcos drug test petition

Maliban sa Pilipinas kabilang sa mga bibisatahin ni US State Blinken ay ang mga bansang Cambodia, South Africa, Democratic Republic of the Congo, at Rwanda na tatakbo mula August 2 hangang August 12, 2022.