Kahandaan ng mga Disaster Responders sinusukat sa Provincial Multi-Hazard simulation exercises sa Camarines Sur

NAGA CITY-  Tsunami sa Cabusao, pagkakaroon ng oil spill dahil sa pagsabog ng oil depot sa Pasacao kasunod ng lindol, pagputok ng Mt. Asog sa Iriga, landslide sa Buhi  at pagka ng derail  ng tren sa Gainza Camarines Sur.

Ito ang laman ng Provincial Multi-hazard Simulation Exercises sa lalawigan ng Camarines Sur na sinimulan kahapon , ika-29 ng Hulyo, hanggang ngayon Hulyo  30, 2022. Tiningnan ang  “response operations” para sa ibat-ibang nasabing mga senaryo.  

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management  Chief Che Bermeo, isasagawa  ang SIMEX upang masuri ang kahandaan ng Provincial Government/PDRRMC at ng mga responders sa mga LGU.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Nanawagan si Bermeo na sa pagpapatuloy ng aktibidad huwag mag panic kung nagkakaroon ng malawakang paggamit o pagdaan ng mga ambulansya, firetrucks, army trucks at iba pang response assets.

Ang Provincial Multi-hazard Simulation Exercises ay bahagi ng aktibidad may kaugnayan sa National Resilience Month.