Kinumpirma ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis na bawal muna siyang maglakwatsa at dumalo sa mga presscon dahil sa pagda-dialysis.
Sinabi ni Lolit na bagamat bumuti na ang kanyang kalagayan kung saan nawala na ang pag-stammer niya, wala na din ang manas sa kanuyang paa at talukap ng mata, mahigpit pa rin ang kanyang doktor sa pagbabawal sa kanya sa masyadong paglabas-labas.
Ayon kay Lolit, feeling niya magaling na siya pero kailangan pa rin niyang sumalang sa dialysis na dalawang beses sa isang linggo habang apat na oras bawat sesyon niya.
Samantala, bagamat nakatuon ngayon si Manay Lolit sa kanyang pagpapagamot, updated pa rin siya sa mga kaganapan sa showbiz at maging sa pulitika kung saan nagpahayag siya na bumilib siya sa deretsong pag-English ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nilinaw din ng kolumnista na behave muna siya sa kanyang bahay sa mga susunod na araw para hindi magalit sa kanya ang kanyang mga doktor kasabay ng pagpapasalamat sa mga ito pati na rin sa mga nurses na nag-alaga sa kanya sa ospital.
Una nang marami ang nagtanong kung bakit tila missing in action ang kolumnista sa kanyang programa.
