US officials, bibisita sa Kyiv?

Bibisita si US Secretary of State Antony Blinken at Defense Secretary Lloyd Austin sa Kyiv para talakayin ang panawagan ng Ukraine na mas marami pang malalakas na armas, dalawang buwan matapos magsimula ang paglusob ng Russia.

Ang naturang trip na inanunsyo ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy ay ang highest-level ng mga US officials.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Sa gitna nito, wala naman komento ang State Department and Pentagon, habang ang White House ay wala ring kumpirmasyon.

Samantala, itinanggi naman ng Moscow na tinatarget nila ang mga sibilyan sa kanilang military operations, at ibinasura ang sinabi ng Ukraine na kita-kita ang ginagawang atrocities nila, sa halip ay itinuro ang Kyiv na gumawa umano nito.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Sa kabilang dako, inihayag naman ng Ukraine na binobomba ng Russian forces ang steel works sa Mariupol kung saan nagtatago ang natitirang Ukrainian defenders , ilang araw matapos magdeklara ang Moscow ng victory sa southern port city. //MHEL PACIA-TRINIDAD