Nag-abiso ang Unioil Petroleum Philippines na may nakaambang big time price hike ngayong linggo sa mga presyo ng fuel products.
Sa kanilang pagtaya, ang presyo ng diesel ay maaring tumaas ng P3.90 hangang P4.10 per liter, habang ang gasolina ay maaring tumaas ng P3.00 hanggang P3.20 per liter mula April 26 hanggang May 2.
Matatandaan na matapos ang rollback dalawang linggo na ang nakakaraan, nagtaas muli ang ilang oil companies sa bawat litro ng kanilang gasolina ng P0.45, kerosene sa P0.45, at diesel sa P1.70 noong nakaraang linggo.

Dahil dito, ang year-to-date adjustments ay may total net increase na P15.45 per liter para sa gasolina, P27.35 sa diesel, at P21.55 para sa kerosene. //MHEL PACIA-TRINIDAD