US, nagpadala ng submarine sa Middle East

Ipinag-utos ni US Defense Sec. Lloyd Austin ang pagpapadala ng USS Georgia guided missile submarine kasunod ng inaasahang retaliatory attack mula sa Iran at mga militanteng grupong Hamas at Hezbollah.

Ang naturang warship ay may mga sakay na F-35c fighter jets na maaari ring magamit kung kinakailangan.

Ang hakbang na ito ay bilang suporta ng Amerika laban sa posibleng pag-atake mula sa mga naturang grupo.

Ayon kay Austin, kung a-atakehin ang Israel, tutulong ang US sa pag-depensa sa kaalyadong bansa.

Paglilinaw ng Amerika na nais nilang matigil na ang giyera at mapanatili ang kapayapaan sa Middle East.

=========================================================================