Naging matagumpay ang kampanya ng Team Philippines sa paglahok sa Paris Olympics 2024.

Ayon kay Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino, ninais ng Team Philippines noon ang mas maraming medalya pero wala na aniyang ibang mahihiling pa kasunod ng dalawang gintong medalya at dalawang bronze na iuuwi dito sa Pilipinas.
Sa pagtatapos ng Olympics, ang Pilipinas ang best performer sa Southeast Asian habang pang pito naman sa buong Asia.
Pu-westo naman sa rank 37 ang Pilipinas sa buong mundo sa kakatapos na 2024 Paris Olympics.