26 na kahon ng ilegal na sigarilyo, nasabat sa Palawan; 1 arestado, 1 nakatakas

Arestado ng Roxas PNP ang isang Lyra Mae Querubin Parcia, 35-anyos matapos makunan ng labing-isang (11) kahon ng sigarilyo sa Brgy. 4, Roxas Palawan bandang alas-diyes ng umaga ngayong araw, ika-12 ng Agosto.

Ang nakatakas naman ay si Ramon Malcolino, residente ng Brgy. Calasaguen, Brooke’s Point, Palawan.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ayon sa Roxas PNP, itinimbre sa kanila ang umanoy ilegal na gawain ng dalawang suspek gamit ang isang L300 van.

Kaugnay nito, sinundan ng PNP ang target vehicle patungo sa boarding house ni Lyra Mae at doon ito nasakote.

Habang naga-inventory ang mga pulis ay itinimbre naman sa kanila ang boarding house ni Ramon sa Brgy 3. at doon naman narekober ang labing-limang (15) kahon ng mga sigarilyo ngunit wala na doon ang suspek.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Samantala, aabot sa P520,000 ang halaga ng nakumpiskang sigarilyo at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10643 (Graphics Health Warning Law) ang mga suspek.