US ikinabahala ang pagdami ng mga batang natatamaan ng COVID-19

Nagdulot ng ibayong pangamba ang pagdami ng COVID-19 infections sa mga bata sa America.

Nangyari ang pagtaas habang naghahanda ang marami sa pagbabalik-eskuwela at ang pinag-aaralang pagbabakuna sa mga bata.

Base sa datus ng American Academy of Pediatrics at ng Children’s Hospital Association , umabot sa 180,000 cases ng mga batang tinamaan.

Nangangamba ang mga health officials na posibleng mas tumaas pa ang kaso kasabay ng pagbabalik-eskwela at ang Delta variant.

Noong Lunes lamang ay ibinigay na ng US Food and Drug Administration ang full approval sa bakuna ng Pfizer para sa mga batang nasa edad 16 pataas.

Inaasahan naman na susunod na ang go signal para sa paggamit ng bakuna sa mga kabataang nasa edad 12 hanggang 15 sa lalong madaling panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *