Pinaiiwas ng Britanya ang kanilang mga mamamayan sa Afghanistan sa Kabul airport dahil sa tumataas na terrorism threat at ang hindi pa stable na security situation sa lugar.
Ayon sa report, pinalilikas sa mga safe location at maghintay ng susunod na abiso ang mga tao sa airport area. Sa lumabas na advisory, maliban sa terroristic attack sa paliparan, sobrang peligroso din ang pagbiyahe “by land” lalo pa at maraming kaso ng “mistreated” sa mga tao na nais makarating sa Kabul airport.
Patuloy naman ang pagsisikap ng UK na makapag-evacuate ng kanilang mga mamamayan palabas ng Afghanistan gayundin ang mga Afghan at iba pang nationals na nagtatrabaho para sa UK.
Kaugnay nito, kinumpirma ng Ministry of Defense na umabot na sa 11,000 na mga tao ang nakaalis sa Kabul sa tulong ng UK troops.
Matatandaan din na tinanggihan ni US President Joe Biden ang panawagan ni Prime Minister Boris Johnson at iba pang allies na i-delay ang withdrawal date ng natitira pang American troops nang lampas sa Augst 31 na palugit Sa ngayon ay mayroong 5,800 US soldier habang 1,000 British soldiers ang nagbabantay sa Kabul airport para matiyak ang ligtas na evacuation ng mga gustong umalis sa Afghanistan.
