US Amb. Carlson, nakipagpulong sa AFP at DND re: WPS joint patrols

Nakipagpulong si US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., at sa mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang talakayin ang mga plano para sa kooperasyon sa depensa, na kinabibilangan ng mga bagong joint patrol sa West Philippine Sea.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Saad ni Carlson, inaasahan nilang patuloy na magtutulungan at magsasagawa ang parehong militar upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan.

Sa kabila ng hindi pagbigay ng karagdang detalyea ng US Ambassador, sinabi naman ni AFP chief General Romeo Brawner Jr. na ang magkasanib na kinakailangan ang mga joint patrols upang mas maipatupad ang isang rules-based international order.

Read More:  Sandiganbayan denies Revilla’s request to attend brother’s wake

Isinagawa ang unang joint patrol ng Pilipinas at US noong Nobyembre 2023 sa West Philippine Sea at iba pang lugar sa karagatan malapit sa Taiwan na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
#