Binigyang-diin ni Senador Win Gatchalian na marapat lang patawan ng karampatang parusa ang sinumang generation companies (GenCos) na mapapatunayang naging sanhi ng malawakang power outage sa Western Visayas.
Ito ay matapos ang naging tripping sa tatlo sa mga pinakamalaking generating units na naging sanhi ng blackout noong January 2.
Kaugnay nito, muling hinimok ni Gatchalian ang Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na i-audit ang nga generation companies na patuloy na nagiging sanhi ng breaching ng reliability index.
Maalala, una ng nanawagan ang senador na patawan ng mas mabigat na parusa ang sinumang mapapatunayang ‘guilty’ at naging sanhi ng nangyaring economic losses.
#