Uri ng ayuda sa mga magpapabakuna sa BARMM dedesisyunan sa IATF meeting

Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na isasama nila sa agenda sa pulong ng Inter-Agency Task Force ngayong araw ang planong pagbibigay ng ayuda sa mga magpapakuna kontra COVID-19 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Ayon kay Duque kabilang sa mga pag-uusapan ay kung anong klaseng ayuda ang pwedeng ibigay sa mga residente para mahikaya’t ang mga ito na magpaturok na COVID-19 vaccines.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Sinabi ni Duque na ang BARMM ang may pinakamababang vaccination rate sa lahat ng rehiyon sa bansa na umaabot lamang sa 31 percent.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Hindi naman umano mahalaga kung ‘cash’ or ‘in kind’ ang ibibigay na ayuda basta’t ang importante ay mahikayat ang mga ito na magpabakuna.

Nilinaw naman ng kalihim na maliban sa BARMM plano din nilang magbigay ng ayuda sa iba pang lugar na may mababang vaccination rate.