Presidential debate na inorganisa ng COMELEC itinakda sa Marso 19

Gaganapin sa Marso 19 ang unang presidential debate na inorganisa ng Commission on Election (COMELEC).

Ito ang inilahad ni Comelec Spokesman James Jimenez.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Ayon kay Jimenez kinumpirma na rin ng lahat ng mga presidentiables ang kanilang pagdalo sa isasagawang debate.

Napag-alaman din mula sa Comelec official na magkakaroon ng tatlong serye ng presidential debates.

Read More:  ATOM seeks deeper probe into alleged special treatment of Romualdez

Inanunsiyo din nito na magkakaroon ng debate para sa pagka-bise Presidente at ito ay dadaluhan ng lahat ng vice-presidentiables maliban nalang kay Cong. Lito Atienza dahil sa isyung pangkalusugan.