Urban Poor Development area sa Naga City nadagdagan pa

NAGA CITY –  May 74 ng Urban Poor Development Area ang Naga City at ang bilang na ito ay nadagdagan pa dahil sa patuloy na pagbubukas ng resettlement area sa ilang barangay sa lungsod, kabilang na sa San Felipe at Cararayan.

Sa mga nabanggit na barangay, maraming lugar ang inilalaan ng City Government para sa housing program, na kung saan karamihan sa mga benipisyaryo ay mga walang permanenteng tirahan o kaya lote.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kaugnay nito, nakapanayam ng Brigada News FM Naga si Lito Barbolino na siyang federation president ng Naga City Urban Poor Federation Inc.at sinabi nyang maraming mga taga lungsod na walang mga bahay at lote ang natulungan at matutulungan pa ng lokal na pamahalaan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Aminado silang nagkakaroon ng problema sa lote subalit dahil sa legal na pamamaraan ng City Government ay nasusulusyunan naman ito at ang iba naman ay kailangang I-settle sa korte.

Ngayong darating na taong 2024 ,mas marami pa anyang mabebenipisyuhan ng programang ito dahil sa maraming mga aplikante ang nasa Housing Settlement and Development Office.