SORSOGON CITY – Naaresto ng mga awtoridad ang isang binata na nakatala bilang No. 1 most wanted sa batas makaraang hainan ito ng kanyang warrant of arrest sa Brgy Sampaloc, East District, Sorsogon City.
Kinilala ng Sorsogon City Police Station ang nahuli na wanted na si Jayson Molina De Vera, 27-anyos, may kinakasama at naninirahan sa Purok 9 ng nasabing barangay.
Bandang alas 10:40 ng umaga, Disyembre 1 nang maaresto si De Vera sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court Br 12, 5th Judicial Region, Sorsogon City sa kasong paglabag sa section 5(B) Art III ng RA 7610 o Lascivious Conduct and Other Sexual Abuse na may itinakdang piyansa na P200K para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
