Urban gardening epektibong ibigay na trabaho sa mga TUPAD beneficiaries

SORSOGON CITY – Naniniwala si Guinlajon Barangay Captain Ramon Noga Jr. na mas epektibo  kung paghahalaman nga ang iaatas na trabaho sa mga TUPADd benificiaries kaiba sa nakasanayan nang trabahong ibinibigay sa mga ito na paglilinis sa kanilang mga barangay.

Ayon sa opisyal, bukod kasi sa napapakinabangan ang mga nakatinggang lupa ay natuturuan ng urban gardening ang mga ito, na maaari din umano itong maging dagdag na pagkakakitaan ng mga residente ng isang barangay.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Aniya, kanila na umano itong napatunayan matapos ang masaganang ani ng mga gulay na repolyo na noong una umano ay marami ang nag-aakalang hindi ito tutubo sa kanilang lugar. 

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Sa kasalukuyang implementasyon ng TUPAD program ay hinihikayat ng Department Of Labor and Employment (DOLE)  ang urban gardening sa halip na paglilinis ang ibigay na trabaho  sa mga benipisyaryo ng nasabing programa.