Foreign Tourists mula sa Greece, nangunguna sa pinaka maraming nagbakasyon sa Boracay

Umabante ang numero ng mga foreign tourist mula sa Greece na nagbakasyon sa isla ng Boracay mula March 1-31, 2022.

Base sa pinaka huling record ng Boracay-Malay Tourism Office, umaabot sa 161 ang numero na nagbakasyon mula sa nasabing bansa.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Pumapangalawa ang Australia na may 121, sinundan ng 117 mula sa Canada.

Sa ngayong buwan ng Marso, humina ang mga bakasyunistang galing sa America na may ilang buwan ng umabante sa listahan ng Boracay Malay Tourism Office.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa kabuuan, umaabot ng 150,597 na mga turista ang nag bakasyon sa isla ng Boracay sa loob ng isang buwan.

Inaasahan pang dadagsain ng mga foreign at lokal na mga turista ang isla dahil sa Semana Santa.//MARIVIC Y. ILIN