Itinakda sa August 10 hanggang 11 ang susunod na University of the Philippines-College Admission Test (UPCAT).
Maaaring i-fill out ng mga aplikante ang mga application form para sa UPCAT Online simula April 15.
May apat na subtest ang UPCAT na kinabibilangan ng Language Proficiency sa English at Filipino; Reading Comprehension – English at Filipino; Science at Mathematics.
Tatanggapin ang mga nakapasang student applicants sa first semester ng School Year 2025-2026.