House leader: mamamatay ang Economic Cha-Cha kapag hindi inaksyunan ng Senado

Aminado si House Deputy Majority Leader Neptali Gonzales II na maituturing nang patay ang economic Charter Change sakaling hindi ito aprubahan ng Senado.

Sa ikalawang araw ng deliberasyon ng Committee of the Whole para sa Resolution of Both Houses Number 7, tinanong ni Albay Representative Edcel Lagman si Gonzales hinggil sa pahayag ni Speaker Martin Romualdez na ia-adopt ng Kamara “in toto” ang RBH Number 6 ng Senado.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Ayon kay Gonzales, bagama’t pareho ang nilalaman ng dalawang RBH ay sumusunod lang ang Mababang Kapulungan sa “rules” para sa isinusulong na pag-amiyenda sa Konstitusyon.

Dadaan pa rin aniya ang RBH Number 7 sa proseso tulad ng isang ordinaryong panukala at kapag naaprubahan ay saka iaakyat sa Senado.

Gayunman, iginiit ni Lagman na may “basic difference” sa RBH ng dalawang Kapulungan partikular sa paraan ng pagboto.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Sagot naman ni Gonzales, kung maipapasa ang RBH Number 7 ng Kamara sa pamamagitan ng 3/4 votes at ipadadala na sa Senado ngunit walang magiging aksyon, wala nang pag-uusapang amiyenda at maituturing na itong “dead”.

Una nang inihayag ni Romualdez sa kanyang talumpati bago magsimula ang pagtalakay sa RBH 7 na ia-adopt ng Kamara ang tatlong proposed amendments ng Senate version ng RBH 6, “in toto” upang siguruhin sa publiko na walang gagalawing politicaln provisions sa Saligang Batas.