‘Unvaccinated pwede pang makasakay sa public transport sa loob ng 30-days’ – DOTr

Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na papayagan na lamang makasakay sa mga pampublikong transportasyon ang mga hindi bakunado at partially vaccinated sa loob ng 30-araw simula Enero 26 habang nasa ilalim ng Alert level 3 ang Metro Manila.

Ayon kay Tranportation Usec. Atty. Artemio Tuazon Jr. ito umano ang napagkasunduan ng DOLE, DILG at DOTr.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Pagkatapos ng isang buwang palugit hindi na papayagan ang mga unvaccinated workers na gumamit o sumakay ng public transportation sa alinmang parte ng National Capital Region.

Nilinaw naman ng opisyal na maaring gumamit ang mga unvaccinated ng active transport, sariling sasakyan, o kaya ay company shuttle service papasok sa kanilang trabaho.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Paliwanag ni Tuazon ito ay upang matiyak na tanging mga protektado lamang kontra COVID-19 ang sumasakay sa public transport matapos lumabas sa pag-aaral na malaki ang tiyansa na maospital ang mga unvaccinated na indibidwal kapag mahawaan ng virus.