DOH-Bicol, tiniyak na may sapat na bakuna para sa mga unvaccinated individuals sa rehiyon

BICOL – TINIYAK ng Department of Health o DOH-Bicol na mayroong sapat na alokasyon ng bakuna na naghihintay para sa mga ‘unvaccinated individuals’ sa rehiyon.

Ayon kay Dr. Lulu Ramos-Santiago, COVID-19 Program Coordinator ng DOH-Bicol, sapat aniya ang mga ibinababang bakuna kontra covid-19 mula sa National Vaccination Operations Center at ang basehan umano ng magiging alokasyon ng isang lugar ay ang bilang ng mga indibidwal na hindi pa bakunado.

Kung kaya’t nakakatitiyak umano na mayroong naka-allocate na bakuna para sa isang indibidwal, ito may ay para sa kanyang first, second dose o booster shot.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Dagdag pa nito, ang Pfizer at moderma na vaccine na dumarating sa rehiyon sa ngayon ay nakalaan para sa mga kabataan na edad 12-17-anyos dahil ang mga ito lamang umano ang mga brand ng bakuna na pinahihintulutang iturok sa nasabing age group.

Gayunpaman, hindi dapat aniya mag alala ang publiko dahil mayroong Gamalea, Aztrazeneca at Sinovac na maaaring iturok sa mga kabilang sa ibang category.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Samantala, inihayag din nito na patuloy ang pagbibigay ng alalay ng DOH sa mga LGUs partikular sa mga municipal at city health officers para sa paghahanap sa natitirang 40% ng target eligible population.

Sa huli, umapela ang doktor sa publiko, partikular ang mga nakatira sa mga malalayong lugar na hindi pa naaabot, na magtungo na sa pinakamalapit na health center o vaccination site upang makatanggap na ng bakuna.