BNFM BICOL—Isinagawa kahapon araw ng Linggo ang ‘Unity Walk, Interfaith Prayer Rally at Peace Covenant Signing’ sa probinsya ng Catanduanes.
Alas singko ng umaga nang umarangkada ang naturang aktibidad sa Plaza Rizal sa bayan ng Virac kung saan dumalo ang mga kawani at personahe ng PNP, AFP, DILG, COMELEC, BFP, BJMP, PPCRV at NAMFREL.
Layunin ng naturang aktibidad na isulong ang mapayapa at patas na May 2022 election kung kaya’t matapos ang Unity Walk o paglalakad ay isinagawa ang “Peace Covenant Signing” na pinangunahan naman ng mga dumalong local candidates. ###