Bicol region, nakapagtala ng 12 bagong kaso at 188 mga recoveries sa COVID-19 kahapon

BNFM BICOL— Nakapagtala ng 12 mga bagong kaso ng COVID-19 ang Bicol region kahapon batay sa ulat ng Department of Health.

Sa naturang bilang, siyam dito ang mula sa lalawigan ng Camarines Sur kung saan lima ang naidagdag sa bayan ng Nabua at tag-iisang kaso ang mga bayan ng Cabusao, Libmanan, Lagonoy at Magarao.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Dalawang kaso naman ang naitala sa Sorsogon na mula sa bayan ng Castilla at Sorsogon City habang isang kaso rin ang mula sa Albay na mula sa bayan ng Bacacay.

Kasabay ng pagbulusok ng mga naitatalang kaso ng sakit sa rehiyon, patuloy din sa pagdami ang bilang ng mga gumagaling kung saan kahapon, umabot sa 188 ang mga bagong recoveries.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa kasalukuyan, nasa 58,799 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bicol kung saan 4,815 sa mga ito nananatiling aktibong kaso.

Nasa 51,884 na rin ang kabuuang recoveries habang nananatili naman sa 2,120 ang bilang ng mga nasawi.###