Lumabas sa isang pag-aaral na ang mga elepante ay gumagamit din ng tunog, na kagaya ng pangalan sa mga tao.
Ayon sa Nature Ecology & Evolution, ginagamit umano ng mga african elephants ang ” individually specific calls” para makipag-ugnayan sa isa’t-isa.
Ang mga elepante umano ay nakikipag-usap sa isa’t-isa sa pamamagitan ng mababang rumbles at kaya nila marinig ang kanilang mga pangalan kahit na nasa malayong distansya. (Cha Armada – Brigada News Intern)