Unang kumpirmadong kaso ng Omicron subvariant XBB.1.5 ,natuklasan sa Pilipinas

Natuklasan sa Pilipinas ang unang kumpirmadong kaso ng Omicron subvariant na XBB.1.5 na sinasabing pinakanakakahawang variant ng virus na nagdudulot ng COVID-19.

Sa pinakahuling ulat ng COVID-19 biosurveillance ng Department of Health, 196 sa 1,078 na mga samples na na-sequence noong nakaraang linggo ang inuri bilang XBB kabilang ang isang kaso na na-tag bilang XBB.1.5.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Nauna nang sinabi ng technical lead ng World Health Organization, na ang XBB.1.5 ay offshoot ng subvariant ng Omicron XBB variant na most transmissible subvariant.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Na-detect din ng DOH ang 454 na kaso ng Omicron subvariant BA.2.3.20, 79 na kaso ng XBC, 28 na kaso ng BA.5, at pitong kaso ng BA.2.75.//CA