PBBM, nakatanggap ng very good net satisfaction rating – SWS

Nakatanggap ng very good net satisfaction rating na +68 si Pangulong Bongbong Marcos. habang si Vice President Sara Duterte ay nakakuha naman ng excellent rating na +77, batay sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong Disyembre 2022.

Ayon kay SWS vice president Gerardo Sandoval na ang December 2022 rating ni Pangulong Marcos ay mas mataas kaysa sa October 2022 rating na +63, ngunit ito rin ay very good.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Samantala, sinabi ni Sandoval na nakatanggap ang national administrasyon ng execellent na +74 para sa kabuuang net satisfaction rating nito.

Nagrehistro ito ng “very good” net satisfaction rating para sa pagsisikap nitong tulungan ang mahihirap (+64) at “good” net satisfaction rating para sa kampanya nito laban sa ilegal na droga (+46).

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Gayunpaman, nakatanggap ang national administrasyon ng “moderate” net rating sa pagsisikap na labanan ang katiwalian (+12) at “neutral” net rating sa mga pagsisikap na labanan ang inflation (+1).

Isinagawa ang survey mula December 10 hanggang December 14 na may 1,200 adult respondents sa buong bansa.//CA