LEGAZPI CITY – Kauna-unahang sa taon 2022 nakapagtala ng unang kaso ng Corona Virus Disease ang bayan ng Camalig.
Base sa tala ng Local Government Unit (LGU) isang 23 anyos na lalake patient no. 47149 residente ng Barangay Cotmon.
Ang nasabing biktima ay sumasailalim na rin sa quarantined facility ng nasabing bayan.
Dahil dito nananawagan ang lokal na pamahalaan na sundin ang ipinatutupad na minimum health standard protocols. Sundin at ugaliin ang “CAMALIG” na ibig sabihin.
C – Clean and disinfect A – Avoid close contact (at least 1 meter or 3 feet) M – Maintain good hygiene A – Always wear face masks and face shields L – Limit public exposure I – Immediately inform health authorities if you feel unwell G – Guide others.
Sa ngayon ay mayroon ng 519 na kabuuhang bilang ng mga tinamaan ng covid 19, isang kaso na active cases sa naturang sakit, 485 na recoveries at 33 ang nasawi sa nasabing sakit.