Liquor at cannabis shop sa Quebec hihingi ng proof of vaccination sa mga kustomer

Ipapatupad na ng mga retail liquor at cannabis shop sa Quebec Canada ang proof of vaccination sa kanilang mga kliyente sa gitna ng panibagong surge ng COVID-19 cases.

Ayon sa report, magiging epektibo ang nasabing kautusan sa January 18.

Kaugnay nito, ipinaliwanag ng mga health officials na umaasa silang mahihikayat ang mas marami na magpabakuna na.

Read More:  US launches campaign to dismantle ICC

Kasunod ito ng pahayag ng ilang health officials na pinangangambahan nila ang “tsunami” ng mga bagong hospital admissions.

Napag-alaman na sa kabila ng pagiging isa sa highest vaccination rates ng Quebec, malaki pa rin ang itinaas ng mga nahawa sa nasabing Canadian probince.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Patuloy namang hinihikayat ng Quebec Healthy Minister na si Christian Dube ang mga taong ayaw magpabakuna na kung hindi talaga sila mapipilit ay mas mabuting manatili na lamang sila sa kanilang mga tahanan.