Unang kaso ng COVID-19 delta variant sa Camarines Sur kontrolado na umano ng LGU

NAGA CITY—Kontrolado na at nacontain na umano ng Lokal na Pamahalaan ng Nabua, Camarines Sur ang posibilidad na pagkalat pa ng delta variant na naitala sa kanilang lugar.

Ito ang pagtitiyak ni Municipal Councilor Koko Astibe, tagapagsalita ng Nabua LGU.

Ayon kay Astibe, nasa Provincial Hospital na ang pasyente na fully recovered na at pamilya nito na sasailalim sa end to end swabbing system.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sumalang narin sa aggressive mass testing ang nasa 92 katao na possible close contacts ng pasyente kung saan isa ang nagpositibo sa COVID-19.

Ipinatupad din ang granular lockdown sa Barangay kung saan apektado ang nasa 22 household na patuloy namang inaagapayan ng Pamahalaang Lokal sa pamamagitan ng pagbibigay ng food packs.

Sa ngayon hindi pa matukoy kung saan nagsimula o nakuha ng pasyente ang bagong variant ng COVID-19 pero sa sariling pananaw ni Astibe ay posibleng nasa probinsya na ang delta variant dahil wala namang ibang travel history sa labas ng rehiyon ang nasabing pasyente.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ayon naman sa EDMERO Camarines Sur, ituturing  o ipi-presume na delta variant ang lahat ng kaso ng COVID-19 na maitatala sa lalawigan upang mas lalo pang maghigpit at magpatupad ng kaukulang hakbang ang mga LGU laban sa banta ng mutated na uri ng virus.