Dumagsa rin sa lungsod ng Puerto Princesa mga nais makakuha ng educational asisstance ang Mendoza Park ngayong Sabado.
Maaga pa lamang kanina ay marami na ang nakapila sa Mendoza Park upang maunang mabigyan ng ayuda.
Sa pagpunta ng Brigada ay hindi agad naging madali sa mga tauhan ng DSWD Palawan ang pag-accommodate sa mga estudyante at magulang.
Ang ilan kasi sa kanila ay hindi nadala ang kinakailangang requirements kaya ang iba ay hindi agad na-assesst ng kagawaran.
Nilinaw naman ni Provincial Social Welfare & Development Officer Abigail Ablaña na hindi kasama ang PSWD sa pagbibigay ng educational assistance sa mga student in crisis.
Ayon kay Ablaña, tanging ang DSWD lamang ang nagbibigay ng nasabing ayuda sa mga estudyante sa elementarya, sekondarya at kolehiyo.
Kaugnay nito, pag-uusapan pa ang pagkakaroon ng schedule ng pay-out sa mga munisiypo sa susunod na Linggo, ayon kay SWADT Leader Eric P. Aborot.
Samantala, suportado ni Ablaña ang pag-abot ng assistance sa student in crisis sa mga munisipyo sa lalawigan upang hindi masyadong mahirapan sa pagkuha ng ayuda.