Rank No. 1 MWP ng Bulan Police, arestado sa kasong rape

SORSOGON CITY – Arestado ang No.1 most wanted person (MWP) sa isinagawang pagtugis ng mga personahe ng Bulan MPS noong Huwebes, Agosto 18 nitong taon.

Kinilala itong si Kenneth Bulawan Gordola, 22-anyos, binata, nagtatrabaho sa isang water refilling station at naninirahan sa Brgy Daganas ng nasabing bayan.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, bandang alas 2:00 ng hapon naaresto ang akusado sa Villa Las Palmas Subd. Sa Brgy Sta Remedios ng parehong bayan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ayon pa sa ulat, ang akusado ay may nakabinbing warrant of arrest sa kasong 2 counts of rape na inisyu ng RTC Br 65, Bulan, Sorsogon kung saan ang isang kaso ay may itinakdang piyansa na P80K habang ang isang criminal case ay walang inirekomendang piyansa.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Si Gordola ay nasa listahan ng e-warrant system at nasa kustudiya na ngayon ng naturang himpilan ng pulisya.

Tiniyak naman ng chief of police ng Bulan MPS na si PLtc Dennis Pabelonia na ang kanilang hanay ay patuloy na ipatutupad ang mandatong inatas sa kanila lalo sa pagtugis sa mga taong may warrant of arrest.