Naging matagumpay ang unang araw ng Balikatan Exercise 2023.
Ito ang ibinahagi ni Balikatan Exercise Executive Agent Col. Michael Logico sa gitna nang nagpapatuloy na military drill sa pagitan ng US Forces at mga sundalong Pilipino.
Ayon kay Logico bilang panimula nagpahayag ang nasa 17,000 kalahok ng kanilang commitment para sa bilateral training na magtatagal hanggang sa April 18, 2023.
Kabilang sa mga isasagawang pagsasanay ay ang joint and combined capabilities sa maritime security, amphibious operations, live-fire exercise, urban operations, aviation operations, counter-terrorism, at humanitarian assistance and disaster response.
Kinumpirma naman ni Logico na ito na ang pinakamalaking US contingent na sumabak sa kasaysayan ng Balikatan Exercise matapos lumahok ang nasa 12,000 American forces.
