Nakalinyang aktibidad sa Gujuban Festival, kanselado dahil kay ‘AmangPH’

Kinansela ng Lokal na Pamahalaan ng Juban, ang mga nakalinyang aktibidad sa kanilang Gujuban Festival dahil sa bagyong si Amang.

Sa Executive Order No, 20 series of 2023 na ipinalabas kahapon ng opisina ng alkalde at MDRRMC Chairperson Gloria Alindogan, iniurong ng LGU ang lahat ng mga aktibidad na nakatakda sanang isagawa ngayong araw ng Miyerkules April 12 hanggang sa April 14.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Ang hakbang ay bilang antisipasyon ng LGU sa posibleng sama ng panahon na dala ng bagyo.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

 Kasalukuyang nasa ikatlong araw ng pagdiriwang ng ika-224th Founding Anniversary at 10th GuJuban Festival ang bayan simula nitong Lunes.