Rank No. 9 MWP na may mga kasong sex crimes, arestado sa Bulacan

Himas rehas na ang No. 9 most wanted person ng Bulan Municipal Police Station matapos maaresto sa Bulacan sa mga kasong sex crimes sa bayan ng Bulan, Sorsogon.

Kinilala itong si Roderick Gimao Gepulle, 42-anyos, may asawa, construction worker at naninirahan sa Sitio Bagong Silang, Brgy Fabrica sa bayan ng Bulan.

Read More:  Nearly entire church ceiling collapses in Maguindanao del Norte

Nagsagawa ng Warrant of Arrest ang mga personahe ng Bulan MPS sa Brgy Paco, San Rafael, Bulacan sa mga kasong 3 counts of rape na walang itinakdang piyansa; sexual assault na may realsyon sa RA 7610 o Child Abuse na may inirekomendang piyansa na P200K at warrant of arrest sa kasong Other Sexual Abuse na may piyansang P200K.

Read More:  Nine injured as Canlaon City booth burns at Buglasan Festival in Dumaguete

Nagpapatuloy ang Sorsogon PNP sa pagtugis sa mga taong may sala sa batas upang maging maayos at tahimik ang mga komunidad.