Kinondena ng United Nations ang child marriage practice sa Zimbabwe matapos ang maiulat ang pagkasawi ng isang 14-anyos na babae habang nanganganak sa loob ng church shrine.
Ang naturang insidente ay kinondina ng ilang mga mamamayan at mga rights activists.
Ito umano ay dahil pinapayagan ng gobyerno ng Zimbabwe na hayaan ang isang apostolic church na mamamayagpag ang child marriage pati na ang ‘polygamy’.

Sa isang pahayag ng UN sinabi nitong labis silang nabababahala sa mga nangyayari sa lugar at mariin nitong kinokondina ang pagkamatay ng dalagita.
Nabatid na nabinbin ngayon ang isang panukalang batas sa naturang bansa na layong pagbawalan at parusahan ang sinuman makikipag-asawa ng walang pang 18-anyos.