99.99% ng mga fully vaccinated vs COVID-19 walang kaso ng hospitalization o death ayon sa US – CDC

Mahigit sa 99.99% ng mga taong fully vaccinated na laban sa COVID-19 ang kumpirmadong walang breakthrough case na nagresulta sa hospitalization o death base sa data mula sa US Centers for Disease Control and Prevention.

Ayon sa CDC, mas mababa sa 0.001% ng mga individual ang nasawi habang mas mababa kesa sa 0.005% ang naospital dahil sa COVID-19.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Sa CDC na huling na-published noong July 26, kabilang ang 938 additional severe breakthrough cases, 862 dagdag na hospitalizations ar 244 na dagdag deaths na naitala sa nakalipas na seven-day period.

Sa nasabing report, three-quarters o 74% sa mga breakthrough cases ay kinabibilangan ng mga seniors na nasa edad 65 pataas.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Nakasaad din sa report na sa tinatayang 1,500 na tao ang namatay, isa sa bawat lima ang may kaugnayan sa COVID-19.

Matatandaan na simula noong Mayo, nakatutok na ang CDC sa pag-iimbestiga sa mga hospitalized o mga fatal cases sa mga fully vaccinated na tao