Umento sa PhilHealth contribution, dapat ipagpaliban – solon

Nanawagan ang ilang mga mambabatas na hangga’t maaari ay huwag na munang ipatupad ang nakaambang umento sa kontribusyon ng mga PhilHealth members sa susunod na buwan.

Mababatid na nakatakdang umakyat sa P400 hanggang P3,200 ang premium kada buwan ng mga empleyado dahil sa nabatid na contribution increase.

Para kay Assistant Minority Leader, Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, dagdag pasakit lamang ito sa mga Pilipino pagkatapos ng eleksyon.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Aniya, bagamat mayroong P33 na increase sa minimum wage sa Metro Manila at iba pang adjustment sa ibang rehyon – malulusaw lamang ito ng dagdag na kaltas sa sahod para sa PhilHealth.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Dagdag pa rito ang ipatutupad na taas-presyo sa mga pangunahing produkto partikular ang increase sa suggested retail price ng 82 na mga basic necessities at prime commodities.

Hindi rin nito pinaburan ang umento sa premium ng PhilHealth lalo na’t hanggang sa ngayon ay nababalot pa rin ng anomalya ang state insurer at hindi pa rin ito mareso-resolba.
#