‘Friend to all – enemy to none’
Ito ang ipinaiiral na independent foreign policy ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ay ipagpatuloy ng susunod na administrasyon.
Naniniwala si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na kinakailangang ma-sustain ang umiiral na foreign policy ng outgoing administrasyon nang sa gayon ay maipagpatuloy ang magandang nasimulan nito at relasyon sa iba pang mga estado.

Aniya, mas makabubuti sa ating bansa kung pananatiliin nito ang magandang relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos at pati na rin sa China.
Paliwanag ni Concepcion, sa ganitong paraan ay makikinabang ang Pilipinas sa pamamagitan ng patuloy na pagpasok ng mga foreign investors.
Ito umano ay maituturing na malakig oportunidad para sa ekonomiya, at gayun din sa mga negosyante sa bansa.
Wika ni Concepcion, mas mapalalago ang ekonomiya ng Pilipinas at mapagiginhawa ang buhay ng mga Pilipino kung mayroon tayong maayos na pakikisama sa iba pang mga estado’t mga bansa.
#